Monday, March 31, 2008

Spoliarium ni Juan Luna


Isa sa pinakamahalagang yaman ng Pambansang Museo, at ng bansang Pilipinas, ang "Spoliarium" ni Juan Luna, isa sa mga pinakadakilang pintor natin.

Grandyoso sa laki at tema ng obrang ito ni Juan Luna, at naghakot ng mga karangalan sa Europa noong panahon, hindi lamang para sa pintor kundi pati na rin para sa bansa.

Makikita ito sa National Art Gallery ng Pambansang Museo. Kapag pumunta ka doon ay mayroong bersiyong digital hango dito, na tinatawag na Malliarium, at gawa ng mga kontemporaryong biswal artist.

Masuwerte kaming pinayagang kumuha ng mga larawan sa bulwagang ito ng National Art Gallery, dahil kasali kami sa Museology seminar at isa sa mga leksiyon ay ang pagdisenyo ng mga eksibit. Ibinabahagi ko dito ang larawan para makita naman ng mga hindi pa nakapunta sa National Art Gallery. Pero siyempre mas magandang makita ang tunay. Nakakamangha ang galing ni Juan Luna.

1 comment:

wed-wed said...

tunay na napakaganda ng sp[oliarium ni juan luna dahil nakapagbibigay ito ng inspiration sa mga kabataang pilipino